Frasco nais ng mga mambabatas na maging bagong Speaker


MANILA, Philippines — Habang papalapit ang halalan sa bagong Speaker ng 20th Congress ay lumalakas ang panawagan mula sa mga mambabatas na si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco na ang dapat mamuno sa mababang kapulungan—isang lider na may paninindigan, kakayahan, at may tunay na malasakit sa bayan. 

Ang Kongreso na ­dating tinaguriang “House of the People” ay isa na ngayong the “House that divides the nation and its people”. 

Sa halip anila na pagkakaisa, nagtutulak ng bangayan, inuuna ang pansariling interes at kapangyarihan. Si Frasco, nasa kanyang huling termino na bilang kinatawan, ay may 18 taon nang karanasan sa serbisyo publiko—mula sa pagiging alkalde, bise alkalde, hanggang sa pagiging mambabatas. 

Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang pagtatayo ng mga ospital at unibersidad sa mga lugar na matagal nang napabayaan. 

May edukasyon sa accounting at finance mula Amerika, at dating auditor ng multinational company.

Kinilala rin si Frasco ng mga insider bilang pinakamainam na pagpipilian para sa administrasyong Marcos upang maisakatuparan ang ­adyenda nito sa ­nalalabing taon.