Friends o lovers? | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love, — Pilipino Star Ngayon

December 2, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Masyadong komplikado ang love life ko. May isang tao na matagal ko nang gusto. Talagang masaya ako kapag kasama ko siya, at special din ang trato niya sa akin. Pero ang problema, hindi malinaw kung ano ba talaga kami. 

Minsan ang sweet-sweet niya sa akin, pero may time na parang wala lang ako sa kanya. Hindi ko naman magawang tanungin kung ano ba talaga ang turing niya sa akin. 

Natatakot kasi ako na masira ang kung anong meron kami. Hindi alam kung kaya ko tanggapin ang mga susunod na mangyayari. kapag inusisa ko ang  real score namin. 

Pero may time na napapagod na akong maghintay, Dr. Love. Nahahapo ako sa kakaabang kung may plano ba siyang ligawan ako. O…super friends lang ba ang turing niya sa akin. Hindi naman ako ‘yung tipo na ipipilit ang sarili sa isang tao, kahit na alam kong in love na ako sa kanya. 

Gusto ko po hingin ang opinyon ninyo, Dr. Love. Tingin mo ba tamang hinala lang ako kung may feelings din siya sa akin?

Nanzi

Dear Nanzi,

Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung hindi ka niya nililigawan, isa lang ang ibig sabihin nun…kaibigan lang ang tu-ring niya sa iyo. 

Dahil ang rela-syon na tunay at tapat ay hindi kalian man dapat hulaan. 

Kapag mahal ka ng isang tao, hindi ka niya ilalagay sa ala-nganing sitwasyon.Dahil nakahanda siyang panindigan ang nararamdaman niya para sa iyo. Kaya ang payo ko, tantanan mo na ang tamang hinala. 

Alam mo ang mas maganda, tanungin mo siya kung may feelings siya para sa iyo. Pero kaakibat nito na maging handa ka rin sa kung anuman ang isasagot niya sa’yo. 

May punto ka sa iyong pangamba dahil may malaking posibilidad nga na kung anuman ang meron kayo ay pwedeng maapektuhan, maging ito man ay ‘yung special friendship.  

Dr. Love