January 27, 2026 | 12:00am
1. Kung walang thermometer, gamitin ang likod ng kamay at ipatong sa noo o leeg ng pasyente para malaman kung may lagnat.
2. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Ang pag-inom ng tubig ay nakapagpapababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
3. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. Ang pagpupunas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kilikili at leeg ay nakapagpapaginhawa sa maysakit. Kapag napunasan na ang katawan huwag itong tuyuin. Hayaang mag-evaporate ang tubig para sumingaw ang init sa katawan.
4. Huwag magbalot ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat.
5. Dapat hindi mainit ang kuwarto. Kung may aircon o electric fan, buksan ito. Ang preskong hangin ay makatutulong sa pagdaloy ng oxygen.
6. Kumain ng masustansiyang pagkain. Kailangan ng katawan ang lakas para labanan ang sakit. Ang lugaw, prutas at gulay ay mabuti sa katawan.
7. Matulog at magpahinga para lumakas ang katawan.
8. Puwedeng uminom ng Paracetamol tablet o syrup tuwing ikaapat na oras kapag mataas ang lagnat sa 38.5 degrees Centigrade.