Health benefits ng guyabano | Pilipino Star Ngayon


DOC WILLIE — Dr. Willie T. Ong — Pilipino Star Ngayon

December 16, 2025 | 12:00am

MASARAP ang guyabano at maraming health benefits. Narito ang mga makukuhang benefits sa guyabano:

1. Tumutulong mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy.

2. Nakaka-patibay sa mga buto natin. Mayaman sa calcium na kailangan ng mga buto.

3. Nakatutulong ma-control ang cholesterol sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano.

4. Mayaman sa iron na nakakatulong para maiwasan ang anemia.

5. May taglay na Riboflavin na makatutulong sa mga may migraine headache.

6. Mayaman sa fiber kaya makatutulong din sa mga may constipation.

7. Mayaman sa vitamin C at makatutulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa ihi.

8. Mayaman sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng cramps at panghihina.

9. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation.

10. Mayaman sa Folate na kailangan ng mga nagbubuntis.