Higit 76 porsyento balota sa halalan, tapos nang iimprenta


MANILA, Philippines — Mahigit 76% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE) ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec).

Sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa media kahapon, hanggang nitong Marso 3, 2025 ng umaga ay umaabot na sa 53,894,129 balota ang kanilang natapos.

Ito ay 76.58% ng kabuuang 72 milyong ballot requirement para sa midterm polls.

Bunsod nito, nasa 16,338,956 balota na lamang umano ang kailangang iimprenta ng Comelec para sa eleksiyon.

Kumpiyansa ang Comelec na matatapos nila ang ballot printing hanggang sa Marso 19.