Samgyupsal sa Bacoor, hinoldap ng 4


CAVITE, Philippines — Hinoldap ng apat na armadong kalalakihan ang isang unlimited samgyupsal restaurant, kamakalawa sa Molino Road, Brgy Ligas 1  Bacoor City.

Natangay ng mga suspek ang pera at mga cellphone ng anim na staff at service crew ng Castillo House of Unlimited (Samgyupsal). Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang panghoholdap kung saan sabay-sabay umanong pumasok ang apat na suspek sa nasabing restaurant at segundo lamang ay nagdeklara na sila ng holdup.

Agad na tinutukan ng mga  suspek  ang mga staff at service crew saka nilimas ang kanilang mga pera at gadgets bago sila mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.