LUMIPAS pa ang 25 minutes at wala pa rin si Mary Underwood. Pero nanatili si Hiyasmin sa kinauupuan. Hihintayin niya kahit anong mangyari si Mary. Alam niyang darating ang hinahangaang speaker.
Siguro ay may kausap pa itong mataas na opisyal na nag-organisa ng advertising congress. Baka mayroon pang susunod na speaking engagement si Mary.
O baka marami pa ring tagahanga nito ang nagpapa-picture, nagpapa-selfie at nagpapa-autograph.
Kahit abutin siya nang matagal dito, hindi siya aalis. Gusto niyang makakuwentuhan si Mary. Sabik siyang makausap ang hinahangaang speaker. Naniniwala siya sa sinabi nito na makikipagkita at makikipag-usap sa kanya.
Naalala niya ang sinabi ng asawang si Dax na huwag susuko sa paglapit kay Mary Underwood. Gawin lahat ang paraan para ito makausap. Sabi pa ni Dax, nakapanghihinayang na hindi makausap ang babaing mahusay magsalita ng Tagalog.
Eksaktong 30 minuto ang nakalipas, dumating si Mary Underwood. Masayang-masaya si Hiyasmin. Hindi siya nagkamali—darating ito!
Humingi ng paumanhin si Mary.
“Pasensiya na Hiyasmin, na-late ako sa usapan natin.”
“Okey lang Mam Mary!”
(Itutuloy)