Hiyasmin (292) | Pilipino Star Ngayon


“ALAM mo Hiyasmin, hindi ko alam kung bakit gustung-gusto kitang maka­usap,’’ sabi ni Mary Underwood nang nakaupo na.

“Pareho po tayo nang nadarama, Mam Mary—gus­tung-gusto rin kitang ma­ka­usap at makita.”

“Aba pambihira ito, Hiyasmin.”

“Oo nga po, Mam Mary.”

“Hindi kaya may blood relation tayo?”

“Baka nga po.”

“Kasi ganun daw ang na­darama ng mga magkakadugo—ewan ko kung nanini­wala ka sa kasabihang yun.”

“Naniniwala po ako, Mam Mary. Mayroon nga pong tinatawag na ‘lukso ng dugo’. Yung sa una lang pagkakita ay para bang umaapaw na ang pagkasabik.”

“Yes, tama ka. ‘Lukso ng dugo’ ba ang tawag dun?”

“Opo Mam Mary.”

“Uy huwag mo nga akong tawaging Mam at naiilang ako. Parang napakapormal kapag Mam ang tawag mo sa akin.”

“Ano po itatawag ko sa’yo?”

“Tawagin mo akong Tita o Tiya.”

“Sige po Tita Mary.”

“Ganyan. Sanayin mo ang sarili na tawagin akong tita dahil palagay ko malayo o walang hanggan ang pagtatagpo natin. Nararamdaman ko, Hiyasmin.”

“Ako man Tita.”

“Harinawang magkato­too ang kutob ko. Dinggin nawa ako ng Diyos.”

Humanga si Hiyasmin kay Mary sa sinabi nito.

“Talaga ang dami mong alam na salitang Tagalog, Tita.”

“Dahil nga nagkaroon kami ng Pinay na katulong noon—tinuruan ako at ang kuya ko ng Tagalog. Napaka­bait ng Pinay na iyon, Hiyas­min at maganda rin siya—kahawig mo.”

“Kahawig ko po, Tita?”

“Oo. Pero may tingin ako sa’yo na mukha kang Arab—may dugo ka bang Arab, Hiyasmin?”

“Opo—father ko.”

Itutuloy