Hiyasmin (312) | Pilipino Star Ngayon


SINABI ni Hiyasmin kay Mama Lira ang nalalapit na pagdating nina Mary Underwood sa Pilipinas.

“Next week na ang dating nila rito ‘Ma. Buong pamilya nila.”

“Anong eksaktong araw at oras ang dating nila?”

“Hindi sinabi. Magme-message si Tita sa akin. Ang sinabi lang niya ay ang mga itinerary—balak nilang mag-Boracay at tayo raw ang ga-guide sa kanila. Balak din sa Palawan at sa Bohol. Tayo ang kasama nila sa buong isang buwan na narito sila.”

“Talaga? One month sila rito?”

“Baka mag-extend pa. Gusto raw masulit ang pagpunta rito.”

“Sana mas matagal sila rito.”

“Excited na raw ang mga bata sa pag-uwi.”

“Sana maging ligtas ang pag-uwi nila.”

“Inulit ni Tita Mary ang tungkol sa iniwang fortune ni Papa. Yun daw ang pinakaimportante sa pagpunta nila.”

Gusto na namang mapaiyak ni Mama Lira.

“Mag-message muli si Tita baka bukas o sa next day.

“Saang hotel kaya sila tutuloy?”

“Sasabihin niya sa akin pagtawag.”

Kinabukasan, nag-video call si Mary kay Hiyasmin.

“Sa Manila Hotel kami tutuloy, Hiyasmin. Sure na.”

“Sige po Tita Mary.”

“Puntahan n’yo kami roon. Sa lobby tayo magkita, okey”

(Itutuloy)