Hiyasmin (328) | Pilipino Star Ngayon


HINDI nakapagsalita sina Mama Lira at Siony sa sinabi ni Mary na sinisisi ito ng mga relatives sa Kuwait dahil sa malagim na pagkamatay ng mga magulang at kapatid na si Rashid. Nasunog ang bahay nila at kasamang natupok ang mga mahal sa buhay.

“Sabi ng mga relatives ko, wala raw akong ginawa para madaling makauwi at tingnan ang nangyari sa aking magulang at kapatid. Maari raw naman akong umuwi nang biglaan pero hindi ko ginawa. Hindi raw makatwiran ang ginawa ko.

“Hanggang ngayon, galit pa sa akin ang mga relatives ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Ang katwiran ko, hindi naman totoo ang ina­akusa nila sa akin. Bakit ako mababahala? Bakit ako maggi-guilty? Kung alam lang nila na mahal ko ang aking parents at brother. Binalak kong umuwi after ang tragedy­ pero hindi na­tu­pad dahil mayroong dahilan.

“Ang alam kong dahilan kaya  sila galit na galit sa akin ay dahil nagpa-convert ako sa Catholicism—yun ang main issue. Kaya mistulang tinakwil na nila ako.

“Kaya mula nun, hindi na ako nagbalik pa sa Kuwait. At wala naman akong pinagsisisihan dahil may mga tao namang lubos na nagmahal sa akin—unang-una na ang aking asawang si Joseph na suportado ako at laging nasa side ko. At ngayon, nadagdagan pa ang mga taong nagmamahal sa akin – si Hiyasmin, Dax at Lira.”

“Pati ako, Mary, mahal kita,’’ sabi ni Siony.

“Salamat Siony. Ha­yaan mo at mayroon akong ibibigay sa iyo sa sandaling magkita tayo.”

“Talaga Mary? Ka­ilan kaya tayo magkita?”

“Bakit hindi ka su­mama kina Hiyasmin sa pagtungo rito?’’

“Puwede?”

“Oo naman.”

Itutuloy