Hiyasmin (333) | Pilipino Star Ngayon


KAHIT may dalawang yaya ang mga anak nina Hiyasmin at Dax, nagtutulong pa rin sila sa pag-aalaga sa mga ito.

Hanggang ipasya ni Dax na pagbitiwin na sa trabaho si Hiyasmin. Hindi na kailangang magtrabaho ni Hiyasmin at ang mga anak na lamang nila ang asikasuhin nito.

“Mag-resign ka na sa trabaho mo Love. Mas maganda kung ikaw mismo ang titingin sa mga anak natin­. Ha­yaan mong ako na lamang ang magtrabaho. Mas kailangan ka rito sa bahay.”

“Oo Love, magpa-file na ako ng resignation. Naisip ko, hindi dapat ipagkatiwala sa yaya ang kambal. Kailangang narito ako sa bahay palagi.”

“Tama lang na mag-re­sign ka, Love. Isa pa nakakapagod na kung papasok ka araw-araw.”

“Bukas magpa-file na ako ng resignation. Mas mahalaga sa akin ang ka­pakanan nina Emmanuel Rashid at Maria Rashida.”

“At isa pa Love, sa dami nang minana mo sa iyong ama, kahit hindi ka na magtrabaho habang buhay.”

Napangiti si Hiyasmin sa sinabi ni Dax. (Itutuloy)