LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Mapalad ang transaksyong darating, huwag pakawalan. Iwasan ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Magkakaroon ng pagkakataon na makapamili ng kasangkapan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 27, 33 at pink.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Ang pag-aalaga ng kalusugan ng magulang ay dapat bigyan ng panahon at pansin. Sundin ang kutob. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 17, 34 at violet.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Sikapin na mamalagi ang mabuting pagsasama sa loob ng tahanan o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 22, 37 at indigo.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang matamo ang hinahangad, kaya huwag tantanan ang tiyaga at sipag. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 31, 42 at orange.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Mahalaga ang payo na matatanggap mula sa matanda o mga magulang. Iwasan ang maging matampuhin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 14, 30 at light green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang konsentrasyon ng pag-iisip ay ilagay sa positibo at may ma-tamis na bungang pipitasin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 29 at jade green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang pinagsamang tiis, tiyaga, hinahon at sipag ay hahantong sa tagumpay at mapapasaiyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at lavender.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Taglayin ang kahinahunan ng pag-iisip para maiwasan ang disgrasya o pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 33 at purple.
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Sikapin na matupad ang pangako dahil sasama ang loob niya. Magtatampo kung iyong bibiguin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 9, 23, 35 at white.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maganda ang palatandaan ng tungkol sa pag-ibig. Ang mahal ay magiging maalalahanin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 8, 34 at beige.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Suriing mabuti ang transaksyon para hindi sayang ang panahon. Ngayon maipakita ang kakayahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 26, 34 at old rose.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Madaling masaktan ang iyong damdamin na magpapakulimlim ng iyong araw, paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 37, 38 at pink.