Pilipino Star Ngayon
August 21, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Herman 45-anyos at hiwalay sa asawa bagamat wala pang formal annulment ang kasal namin.
Sumama kasi ang misis ko sa kanyang lalaki. That was two years ago.
Naaksidente ako sa motorsiklo at kailangan kong ma-therapy at kailangan ko ng caregiver dahil nag-iisa lang ako sa bahay. Full time caregiver.
Hiwalay din sa asawa si Rina na isang physical therapist at nagkahulugan kami ng loob.
Pero binabalikan ako ng aking asawa at humihingi ng tawad.
Mas mahal ko na si Rina at sa laki ng kasalanan ng asawa ko, parang mahirap ko siyang mapatawad.
Ano gagawin ko?
Herman
Dear Herman,
Mag-isip kang mabuti. Mahal mo ba si Rina o baka pantakip lang siya sa butas ng iyong emosyong sinugatan ng iyong asawa?
Suriin mong mabuti ang iyong nadarama. Kung mahal mo pa ang asawa mo at siya ngayon ay nagsisisi sa ginagawang pagtataksil, dakila ang magpatawad.
Ngunit may isang pusong masusugatan, at iyan ay angiyong karelasyong caregiver- the-rapist. Sa kasong ito mas mabuting gawin ang tama kaysa magpadala lamang ng emosyon.
Dr. Love