Dear Dr. Love,
Ako si Mommy Milagros, 65 years old na at avid reader pa rin ng Pilipino Star NGAYON. Bumabati ako ng ika-40 taong anibersaryo ng PSN. Kasabay ninyo ang anniversary naming mag-asawa.
Ang mga payo sa inyong kolum ang nagpapaalala sa aming mag-asawa na laging maging tapat sa isa’t isa lalo na ngayong senior citizen na kami. Ayaw daw niyang matulad sa ibang pamilya na kung kailan tumanda ay saka pa naghiwalay.
Natutuwa rin kami at nawiwili sa pagbabasa ng ibang lumiliham na humihingi ng payo. Hangad ko ang patuloy pang tagumpay ng inyong pahayagan.
More power and God bless!
Mommy Milagros
Dear Mommy Milagros,
Salamat sa iyong liham. Malaking bagay sa amin na kami ay nagsisilbing inspirasyon sa aming mga mambabasa.
Katulad ng Pilipino Star NGAYON, nawa’y mas lalo pang tumatag ang inyong pagsasama bilang mag-asawa.
Salamat sa inyong mga readers na walang sawang tumatangkilik sa aming pahayagan. Lalo na sa mga humihingi ng payo, ibinabahagi ang kanilang kuwento at problema sa inyong lingkod.
Dr. Love