October 30, 2025 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Curios lang ako kung loyal ang bf ko sa akin. Dahil malakas ang kutob ko na hindi siya kuntento sa akin.
Nag-try akong mag-log in sa dating chat app. Imagine hindi man lang siya nagpalit ng account niya.
Gumamit ako ng ibang name at nagpalit ako ng age ko. ‘Yung bf ko mismo ka-chat ko. Gusto pa niyang magkita kami sa hotel. Napaisip ako na malamang matagal na niya itong ginagawa.
Pero wala pa akong lakas ng loob para harapin siya o komprontahin siya at sabihin na bistado ko na siya sa pambabae niya. Ano po ang dapat kong gawin?
Eli
Dear Eli,
Para makasiguro ka na ang bf mo talaga ang ka-chat mo. Bakit hindi mo subukan na makipag-meet up sa hotel.
Upang tiyak na mabisto mo siya. At malaman din niya na alam mo na ang totoo niyang pagkatao.
Pero mag-ingat ka at magsama ng iba. Ngayong bf mo pa lang siya ay ganyan ang ginagawa niya, ano pa kaya kung asawa mo na siya.
Kaya mag-isip ka ngayon pa lang. Hindi mo deserve ang ganyang walang kuwentang lalaki.
Kaya ngayon palang ay magdesisyon ka nang iwanan siya.
Dr. Love