Kahit tutol ang parents sa gf


Dear Dr. Love, — Pilipino Star Ngayon

August 13, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Ano pa man ang sabihin ng iba, mahal na mahal ko ang girlfriend kong si Lorna. Itinaguyod niya ang sariling edukasyon dahil patay na pareho ang parents niya.

Napilitan siyang mag-gro sa isang disenteng club. Strictly, nag-e-entertain lang siya ng mga customers at hindi lumalabas. Pero sa mata ng ibang tao, maruming trabaho ang maging gro.

Pati magulang ko ay tumutol sa relasyon ko sa aking girlfriend. Ano mang paliwanag ang gawin ko, gusto nilang tapusin ko na ang aming relasyon.

25-anyos na ako at si Lorna ay gayundin. Puwede kong labagin ang gusto ng mga pa-rents ko pero ayaw kong masira ang relasyon ko sa kanila.

Ano ang gagawin ko?

Arman

Dear Arman,

It is your choice. Sino ang mas pinapaha-lagahan mo, si Lorna o ang mga magulang mo? Isang bagay iyan na tanging ikaw lang ang maaaring magpasya.

Pero kung ako ikaw, pipiliin ko ang aking girlfriend kung talagang mahal ko. Nasa wastong edad ka na para magpasya para sa iyong sarili.

Palagay ko naman, mauunawaan ka ng iyong mga magulang sa katagalan, lalo na kung magiging mabuting maybahay ang girlfriend mo na si Lorna.

Dr. Love