Kalimutan na ang ex | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Una sa lahat bumabati ako sa iyo at sa lahat ng mga mambabasa ng iyong kolum ng mabiyayang araw.

Gusto ko sanang humingi ng payo sa iyo kaugnay ng problema ko sa pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong  Lily, 20-anyos.

Ipinagpapauna ko na ako’y decent girl at hindi ako playgirl. Hindi ako nakatapos ng senior high school kahit laging nasa honor role dahil nag-asawa agad ako.

Bago ako ikinasal, hindi ko inaasahan na darating ang yugto sa buhay ko na iibig ako sa dalawang lalaki. Alam ko na this isn’t right but that’s what I feel. Pero papaano ko mapipigilan ang aking puso? Kapwa ko naging boyfriend ang dalawang guys nang sabay. Ang isa sa kanila ay nangibang bansa kaya ang pinakasalan ko ay ‘yung isa.

Sa kabila nito, nagluluksa nang lihim ang puso ko at madalas, nahuhuli ako ng mister ko na umiiyak. Sinasabi ko na lang na naaalala ko ang aking mga magulang.

Ano ang gagawin ko para mabura ang damdaming ito?

Lily

 

Dear Lily,

Kapag napagtanto mo at pinagsisihan ang maling nagawa mo, move on at kalimutan ang nakaraan. Huwag ka nang makikipag-ugnayan sa kanya. Ituring mo na itong saradong kabanata ng buhay mo.

Ilagay ko ang iyong katayuan sa asawa niya na umaasang faithful sa kanya ang kanyang mister.

Ano ang mararamdaman mo kung halimbawang ang sarili mong asawa ay pagtaksilan ka?  ‘Yun lamang naiisip mo pa ang ex mo at naluluha ay isa nang kataksilan.

Maging masaya ka sa piling ng asawa mo.

Dr. Love