Dear Dr. Love,
Sadya bang mapagbiro ang tadhana? Ito ang katanungang gumugulo sa isip ko, Dr. Love.
Tawagin mo na lang akong Josephine, 24-anyos at dalaga pa.
Dalawang taon na ang nakararaan, may nanligaw sa akin na kinaiinisan ko sa hindi malamang dahilan.
Basta’t naaasar lang ako kapag nakikita ko siya.
Tuwing didiga siya sa akin, sinisigawan ko siya at pinaaalis sa harapan ko. Hindi siya makaporma sa akin.
Isa pa, may siyota ako noon na guwapo. Hindi nagtagal ang relasyon ko roon dahil nalaman ko na tatlo kaming girlfriend niya.
Ako na ang nakipag-break.
Suddenly, naisip ko ang dati kong manliligaw. Hindi siya guwapo pero mabait at may magandang trabaho.
Kaso, taken na siya ngayon at ang girlfriend niya ay kaibigan ko.
Gusto kong mag-sorry sa suitor ko. Deep in my heart, nais kong ligawan niya ako uli.
Pero baka masaktan ang friend ko.
Ano dapat kong gawin?
Josephine
Dear Josephine,
Puwede kang mag-sorry pero huwag ka nang mag-effort para ligawan ka niyang muli.
Charge it to experience.
Hindi good taste kung magpapakita ka ng motibo para balikan ka niyang muli.
Ngayon, kung siya ang magkukusang manligaw uli sa iyo, ayos lang iyan basta’t wala ka pang commitment sa ibang lalaki.
Dr. Love