Kursunada ni Professor | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Magkaklase kami ni Elma sa isa subject. Girlfriend ko siya. Nagkaroon kami ng professor na kursunada siya.

Nang malaman niyang may relasyon kami, lihim akong kinausap ni prof. Inanyayahan niya ako sa canteen.

Sinabi niya sa akin na may gusto siya sa jowa kong si Elma. Na-shock ako sa mga katagang ginamit niya na ‘di bagay gamitin ng isang nagtuturo. 

Type raw niya si Elma at kung puwede ay ipaubaya ko na lang ito sa kanya.

Kapalit noon ay bibigyan ako ng matataas na grado. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang sabihin ko ito kay Elma, sabi niya kahit pumayag ako’y hindi siya papayag.

Tahasan kong ni-reject ang indecent proposal ni professor at pareho kaming kinakabahan ni Elma na baka kapwa kami ibagsak. Ano dapat naming gawin?

Robby

Dear Robby, 

Isumbong n’yo siya sa dean upang masipa sa pamantasan. Sexual harrassment na ang ginagawa niya.

Akala niya, komo estudyante lang kayo ay wala kayong alam sa batas. Dapat aksyunan ang ganyang uri na nagtuturo at baka dumami ang mabibiktima niya.

Dr. Love