Ruffa, walang planong patalbog kina Kyline at Barbie!


Matinding puksaan pala ang magaganap sa inaaba­ngan ng netizens sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion, at Viu – ang Beauty Empire.

Pasabog na teaser ang inilabas nila kung saan makikita ang intense tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie Forteza (Noreen Alfonso) at Kyline Alcantara (Shari De Jesus). At siyempre, agaw-eksena rin ang pagsigaw ni Ruffa Guttierez (Velma Imperial) ng “Oh my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.

Laban na laban talaga diumano ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang.

Malapit nang mapanood ang nasabing palabas.

Anyway bilang Velma Imperial sa Beauty Empire, isang mabangis na babae ang karakter na CEO ng kanyang kumpanya ang gagampanan ni Ruffa.

Nagti-taping na raw sila sa kasalukuyan at mag-uumpisang mapanood next month. “The series talks about beauty, ­aging. It doesn’t matter how old you are, but being beautiful is important inside out,” banggit niya nang ipakilala bilang kauna-unahang brand ambassador ng Magical Gems na kumpanyang pagmamay-ari ni Mr. Harry Lopez Chua.

Ang brand ng nasabing mga alahas ang susuotin niya sa serye ng kanyang pagbabalik sa GMA 7.

Na thankful siya dahil hindi na raw kailangang mang­hiram sa kanyang mommy, Annabelle Rama, ng mga gagamitin niyang alahas na lagi raw may padalang security para bantayan ang mga hiniram niyang alahas.

“Sa tuwing hihiram ako ng kanyang alahas, apat na security (tao) ang pinapadala niya. Then she reminds me non-stop to take care of it.

“I get stressed. I cannot concentrate and memorize my lines. Now that I use the jewelry of Magical Gems, the son of the owner is there guar­ding the jewelry. Ginagamit namin ‘yan lalo na sa mga malalaking eksena, talagang may pagkakaiba ang alahas,” sabi niya.

Ang unang physical store ng Magical Gems ay sa Davao na magbubukas sa June 3 at Abreeza Mall.

Sa ngayon ay malaki ang pagpapahalaga ni Ruffa sa mga alahas.

Tinuruan siya ng kanyang nanay, na Bisaya rin, taga-Cebu.

Naalala niya na lagi siyang pinaparusahan ng kanyang mommy dahil sa hindi pag-aalaga sa kanyang mga alahas.  “Tuwing ibinabalik ko sa kanya ang mga alahas, marumi, puno ng makeup at hindi ako nag-abalang linisin,” pag-amin niya.

“Lagi siyang galit sa akin. Lagi niyang sinasabi, kapag may alahas ka, you need to take care of them.

“You need to wear the jewelry after putting on your makeup not during, not to wear perfume and take care of them,” dagdag niyang kuwento habang natatawa.

Bilang nag-iisang babae sa magkakapatid, nasanay na rin siya na kumuha ng alahas mula sa kanyang ina. “I don’t feel comfortable without wearing earrings. Para akong lalaki.”