LGUs sa DILG: Mag-display ng Philippine Flag sa National Heroes Day


Angie dela Cruz — Pilipino Star Ngayon

August 24, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na mag-display ng pambansang Watawat ng Pilipinas sa mga pampublikong lugar sa August 25, 2025 bilang paggunita sa National Heroes Day alinsunod sa Republic Act No. 9492.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2025-085, inaatasan ng DILG ang mga governors, mayors, at barangay leaders na matiyak na nasa tama at maayos na naka-display ang Philippine Flag bilang simbolo ng pagkakaisa, nationalism na panawagan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang makabayan at civic responsibility.

Ngayong taon, ang  Heroes Day ay may temang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan”, na katatampukan ng katapangan ng mga Pilipinong bayani, kilala man o hindi kilala, na nagbigay daan sa pagkakaroon ng kalayaan at dignidad ang bansa.

Mayroong official rites na isasagawa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City na pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines at partner agencies sa Heroes Day sa Lunes.

Nanawagan din ang DILG sa sambayanang Pilipino na panatilihin ang pamana ng mga bayaning buhay sa pamamagitan ng pagseserbisyo, solidarity at pagmamahal sa bansa.