Heaven, umiwas sa pa-shade ni Diego!


Nitz Miralles — Pilipino Star Ngayon

August 23, 2025 | 12:00am

Hindi pa pala name-meet ni Heaven Peralejo si Vic Sotto, ang kapwa niya ambassador ng Playtime. Nabanggit ito ng aktres nang i-launch siya bilang new ambassador ng Playtime. Looking forward siguro siya na makita at makilala na si Vic na kuwento niya, pinanood niya ang mga pelikula nito kahit noong wala pa siya sa showbiz.

Sa video lang winelcome ni Vic si Heaven at nabanggit na masaya siya na kasama na niya sa endorsement ang aktres. Ibang Vic ang dumating at ‘yun ay walang iba kundi si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment para suportahan si Heaven. Ang Viva Artists Agency na ang management ni Heaven, kaya sa Viva na ang karamihan sa kanyang mga project kabilang dito ang I Love You Since 1892.

So far, wala pa namang namba-bash sa aktres sa pagpayag na i-promote at i-endorse ang Playtime. Lalo na sa inamin nitong there was a time na sumubok siya sa online gambling.

Sabagay ang Playtime raw ay for fun and thrill and this is more than just an app – “it’s an experience. It brings together the excitement of online play with rewards, interactive challenges, and a vibrant community that reflects the unmistakable Pinoy values and personality.”

Sandali lang sa kanyang launching si Heaven, hindi na siya natanong sa reaction niya sa comment ni Diego Loyzaga sa post ng ex ni Heaven na si Marco Gallo. Nag-post si Marco ng photo niya showing his abs and how to be patient.

Comment ni Diego na pa-shade raw kay Heaven, “Nope. It 100% meant she only cared when the abs were there and cared about 10 other guys when they weren’t. trust.”

Deleted na ang unang comment ni Diego at ang natira ay ang comment niya na “Bro amazing job. I only found u hot when u got abs ngl.”

Tinanong ng fans si Diego kung bakit niya dinelete ang first comment niya na of course, hindi niya sinagot.

BarDa, tatapusin na!

May gulo rin pala sa fans nina Barbie Forteza at David Licauco at kung sila lang ang masusunod, ayaw na nilang magtambal pa ang dalawa. Ang pakiusap nga ng fans, tapusin na ang BarDa love team, last na nilang pagsasama sa Beauty Empire at magkanya-kanya na sila ng career.

Kaya naman daw ni Barbie mag-isa at sunud-sunod nga ang project ng aktres na hindi si David ang kasama. Isa rito ang Kontrabida Academy na streaming sa Netflix sa September.

May ginagawa rin daw pelikula si Barbie kasama sina Eric Quizon at Charo Santos-Concio and in fact, nagsimula na silang mag-shooting. Wala pa lang detalye sa film project na ito.

As for David, magtatambal sila ni Jillian Ward sa action series ng GMA na Never Say Die, at ituloy na raw sana ang solo era ng BarDa.