LPA maaaring maging bagyo | Pilipino Star Ngayon


Angie dela Cruz — Pilipino Star Ngayon

August 22, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — May potensiyal na maging isang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras.

Ang LPA ay huling namataan 705 kilometro silangan ng Infanta Quezon.

Kumikilos ito pakanluran hilagang Kanluran at tatahakin ang Northern at Central Luzon ngayong Biyernes.

Dahil dito, inaasahan namang magiging mau­lan ang malaking bahagi ng bansa ngayong weekend dahil sa epekto ng LPA at habagat sa bansa.

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at maulap na kalangitan ang Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran dahil sa trough ng LPA.