Dear Dr. Love,
Tawagin niyo na lang akong Marta. Gumuho ang mundo ko nang sabihin ng asawa ko na iiwan na niya kami. May dalawa kaming maliliit na anak—isang paslit at isang sanggol.
Wala akong trabaho at walang matakbuhan. Paano ko sila bubuhayin nang mag-isa? Dr. Love, paano magiging matatag ang isang inang dinurog ang puso habang may dalawang batang umaasa sa kanya?
Marta
Dear Marta,
Masakit man, kailangan mong piliin ang mabuhay. Narito ang dapat mong tandaan,
humingi ka ng suporta. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong sa pamilya o kaibigan. Hindi mo kailangang pasanin ang mundo nang mag-isa. Ilaban mo ang iyong Karapatan, may pananagutan ang ama sa sustento ng mga bata sa ilalim ng batas. Huwag mo itong hayaang makalimutan.
Ikaw ang pundasyon ng iyong mga anak, iiyak mo lahat ngayon, pero bukas, tumayo ka. Mas kailangan ka ng mga anak mo kaysa sa taong tumalikod sa inyo.
Marami na ang nakalampas sa ganyang hamon, kaya magagawa mo rin. Oo, kaya mo ‘yan!. Hindi ka lang basta iniwan. ikaw ay binigyan ng pagkakataong patunayan kung gaano katindi ang lakas ng isang ina. Pasasaan ba at magsisilakihan din ang iyong mga anak. Kaya magpakatatag ka. Ang pinakamaganda paghihiganti ay ang tagumpay mo sa kabila ng pang-aargrabyado sa inyong mag-iina.
Simulan mo sa isang taimtim na panalangin, hingi ang gabay ng Maykapal, saka mo simulang planuhin ang unang hakbang at mga susunod na dapat gawin para matiyak ang seguridad ng iyong mga anak. Kasama moa ko sa panalangin.
DR. LOVE