POLILIO, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang magsasaka makaraang mabagsakan ng puno ng niyog sa Barangay Bucao ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Andrew”, may-asawa, 48-anyos at residente sa naturang lugar.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-11:20 ng umaga ay nag-aani ng mga bunga ng niyog ang biktima at tatlong iba pa habang kasagsagan ng malakas na hampas ng hangin.
Hindi umano napansin ng biktima ang pagtumba ng isang puno ng niyog kung kaya’t hindi na nakailag at tuluyang nabagsakan sa ulo na agad niyang ikinamatay.