October 25, 2025 | 12:00am
ISANG magsasaka sa D?browica, Poland, ang nawalan ng 150-toneladang patatas matapos kumalat ang isang pekeng social media post na nagsasabing libre niyang ibinibigay ang mga ito.
Hindi maibenta ng magsasakang si Mr. Piotr ang kanyang mga aning patatas ngayong taon, kaya napaniwala ang marami na maaari silang kumuha nang libre sa kanyang bukid.
Maraming tao ang dumagsa, kasama ang mga truck, at kumuha nang maraming patatas. Ang ilan ay kumuha ng dose-dosenang tonelada.
“Ako ay nagulat. Sa tanang buhay ko bilang 68-anyos na magsasaka, ngayon ko lang naranasan ang ganito,” sabi ni Piotr, na inihalintulad ang insidente sa isang bangungot.
Bagama’t hindi alam kung sino ang nagpasimula ng fake news na ipinamimigay ni Piotr ang kanyang mga patatas, kumalat ito sa Polish social media, na pinatunayan pa ng isang video kung saan makikita ang isang tao sa bukid na nangunguha ng patatas.
Nangyari ang pagnanakaw habang nasa family gathering si Piotr sa ibang lugar, kaya wala siyang kaalaman sa pagdagsa ng mga tao.
May isang nagbalik at humingi ng paumanhin kay Piotr, ngunit mas marami ang hindi.
Hindi pa nagsasampa ng pormal na reklamo si Piotr dahil umaasa pa rin siya na ibabalik ng mga kumuha ang kanyang mga patatas.
Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng masamang epekto ng maling impormasyon sa social media sa buhay ng mga tao.