Marbil, pinabibilis ang frontline services ng PNP!


GUSTO ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na pabi­bilisan ang frontline services ng pulisya para makinabang ang mga Pinoy.

Ang tinutukoy ni Marbil ay ang online firearms registration, National Police clearance, drug tests, neuro at vehicle clea­rance. Sa nakaraang command conference, iniutos ni Marbil ang mga concerned PNP support units na magsagawa ng nararapat na proseso upang mapabilis ang kanilang serbisyo.

Kaya sa mga kosa ko diyan, kapag hindi kayo satisfied sa serbisyo ng mga PNP support units, iparating n’yo lang ang reklamo kay Marbil tiyak may matitigpas na ulo. Ano pa nga ba?

Teka, klaruhin ko lang mga kosa, na ang pagpapabilis ng serbisyo lang ang itinutulak ni Marbil at ang nakatakdang bayarin ay ganun pa rin ha? Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang hakbangin ni Marbil mga kosa ay upang palakasin ang reporma sa anti-red tape upang magiging transparent ang serbisyo publiko na isinusulong ng PNP alinsunod sa kautusan ni President Bongbong Marcos.

Sa liderato ni BBM, nais niyang ipagpatuloy pa ang mga reporma para mawalis na ang red-tape nang sa gayon makuha­ ang tiwala ng publiko at siguraduhin na ang serbisyo ng gob­yerno ay makakarating sa mga Pinoy na hindi mabalam. Eh di wow!

Kaya nag-organisa si Brig. Gen. Jose “Jun” Manalad Jr. ng Center for Police Strategy Management (CPSM) ng two-day seminar na ginanap sa PNP Training Service sa Camp Crame upang ma-educate ang mga attendees sa mga gawain at alituntunin ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Siyempre ang guest of honor ay si ARTA Director General Sec. Ernesto Perez, samantalang ang keynote speaker naman ay si Lt. Gen. Robert Rodriguez, ang No. 3-man ng PNP. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

“By embedding the principles of RA 11032 into your daily operations, you are not only fulfilling a legal obligation but also fostering trust and confidence in our law enforcement institutions,” ani Perez.

“When public services are delivered with speed, transparency, and integrity, citizens feel valued and protected,” sabi pa ni Perez.

Natuwa naman si Manalad kay Perez dahil ang PNP ang una n’yang sinuportahan para lalong mapaganda ang serbisyo nila sa publiko. “We are honored to be among the recipients of this vital training. It significantly strengthens the capacity of our frontline personnel, ensuring that we deliver services with utmost effectiveness and efficiency,” sabi ni Manalad.

“The PNP remains committed to upholding the principles of transparency, accountability, and efficiency in government service delivery, ensuring that the organization continuously enhances its responsiveness to the needs of the public, sabi pa ni Manalad. Dipugaaa! Hehehe! Nakahalata na ba kayo mga kosa?

Naniniwala naman si Marbil na malaking papel ang gagampanan ng RA 11032 upang ang PNP ay magiging efficient, accountable, at citizen-centered government agency.

“The very essence of the Ease of Doing Business Law, which ARTA upholds, is about ensuring that public service delivery is fast, transparent, and free from unnecessary red tape,” ayon kay Marbil. Sal-it!

Kaya ngayon abala na ang mga support units na HPG, FEO, Forensic Group, at Health Services sa pag-aaral ng tamang proseso para tugunan ang kautusan ni Marbil. Abangan!