Philstar.com
September 18, 2025 | 2:32pm
MANILA, Philippines — Biniro ni Sen. Rodante Marcoleta si Sen. Jinggoy Estrada matapos igiit ng isang kontratista na wala umanong kinalaman ang senador sa mga iregularidad sa flood control projects sa Bulacan.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, September 18, sinabi ni Mina Elamparo-Jose ng WJ Construction na hindi sangkot si Estrada sa naging transaksyon niya kay dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez.
Matapos nito, agad na nagbitaw ng biro si Marcoleta at sinabing, «So talagang safe ka na.»
Matatandaang idinawit ni Hernandez ang pangalan ni Estrada sa nakaraang pagdinig sa Kamara kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
