Sandro pinayuhan si Zaldy Co na bumalik sa Pilipinas


Philstar.com

September 18, 2025 | 10:18am

MANILA, Philippines — Hinimok ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na bumalik sa bansa at harapin ang mga seryosong alegasyon ng katiwalian, kabilang ang umano’y P13 bilyong budget insertions at ang pagkasangkot sa mga anomalya sa flood control projects sa bansa.

Ayon kay Marcos, ang mga paratang ay mabigat at nagdudulot ng negatibong epekto sa imahe ng Kamara, kaya’t mahalaga ang agarang pagtugon ni Co. Binanggit niya na bagaman hindi malinaw kung maaaring pilitin ng Kongreso ang pagbabalik ni Co, kailangan pa rin niyang managot sa mga ethics complaints.

Matatandaang kinumpirma ng Kamara na si Zaldy Co ay kasalukuyang nasa Estados Unidos para sa medikal na paggamot, at may kaukulang travel documents siya na inaprubahan ng Kongreso.