Marcos makikipagpulong kay Trump | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Makikipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  kay US President Donald Trump sa susunod na mga linggo.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na tutulak patungong Amerika ang Pangulo sa July 20 hanggang 22.

Magsasagawa aniya ang dalawang lider ng kauna-unahang bilateral ­meeting sa Washington.

Isa sa posibleng pag-usapan sa nasabing pulong ang pagpapataw ng US ng 20% na taripa sa Pilipinas.

Nauna nang kinumpirma ni US ­Secretary of State Marco Rubio na magkakaroon ng unang bilateral ­meeting sa Washington si Trump at Marcos.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na ang pagbisita ni Marcos ay isang official working visit.

Si Marcos din ang kauna-unahang lider ng isang bansa mula sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) na naimbitahan sa White House ni Trump.