MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC).
Epektibo sa Agosto 8, papalitan ni Juan ang nagbitiw na si Monalisa Dimalanta na nagsilbi sa nasabing tanggapan simula 2019.
Ang bagong talagang chairperson ay ang kasalukuyang executive director at counsel ng ERC, at ang naging kauna-unahang Chairman, President, at CEO of the Independent Market Operator ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Si Juan ay kilalang tagapagtaguyod ng consumer protection at renewable energy development sa pamamagitan ng tariff reform.
Ipinaabot naman ng Pangulo kay Dimalanta ang pasasalamat sa paglilingkod sa pamahalaan.
Bukod kay Juan, itinalaga rin ng Pangulo sina Atty. Amante Liberato at Atty. Paris Real bilang mga bagong commissioners ng ERC.