MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Donald Trump at sa mamamayan ng Amerika dahil sa nangyaring matinding pagbaha sa Texas.
Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nito na alam ng Pilipinas ang mga hamon sa pagbangon matapos ang kalamidad at ang pagdadalamhati ng mga pamilyang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay.
“We stand with the United States in prayer and solidarity during this difficult time,” pahayag ng Pangulo.
Naniniwala aniya ang Pilipinas na makakabangon ang kanilang mamayan mula sa kalamidad sa pamamagitan ng kanilang lakas katuwang ang liderato ni President Trump.
Matatandaan na nagkaroon ng matinding pagbaha sa Kerr county sa Texas kung saan mahigit sa daang katao ang nasawi kabilang ang mga kabataan na nagsasagawa ng camping sa nasabing lugar ng maganap ang flash flood.