Miss na ang sweetness | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

January 4, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Ako po ay isang mister na nalulungkot at lubhang naguguluhan na.

Dati ay talagang napakalambing ng misis ko. Bukod dun siya ay tunay na maalalahanin, palabiro, at ramdam ko ang init ng pagmamahal sa araw-araw ng aming pagsasama.

Pero ngayon, nakalulungkot na maobserbahan na nagbago na siya.

Ang tinig na na dati’y puno ng sigla, madalas hindi na halos naririnig dahil napakadalang na niya magsalita. Nakakpanibago ang tahimik niya.

Sa maraming pagkakataon, malamig po siya sa pakikitungo sa akin at bihira na ang dating sweetness niya na nakasanayan ko.

Malaking palaisipan po sa akin ang naoobserbahan kong pagbabago niya. Dahil hindi ko po alam kung may nagawa ba akong mali o kung napagod lang siya sa mga pang-araw-araw na gawain at mga responsibilidad.

Sinusubukan ko naman po siyang intindihin, pero aaminin ko po na talagang namimiss ko po ang dating kami.

Dr. Love, naaapektuhan po ako nang sobra..biruin mo, magkasma kami pero parang wala siya. Paano ko po ba maibabalik ang dating lambing ng misis ko nang hindi siya napi-pressure o kaya’y hindi sa puntong napipilitan lang siya?

Mon

 

Dear Mon,

Naniniwla ako na ang sweetness ay hindi talaga nawawala. Kung minsan ay natatabunan lang ito ng ma-tinding pagod, hindi madedma na stress o kaya’y hindi ma-open na frustrations.

Bago mo hanapin ang dating lambing ng misis mo, tanungin mo muna ang sarili mo— kumusta ba siya bilang tao, hindi lang bilang asawa?

Magsimula ka sa pakikinig. Hindi sa pangangatwiran, kundi sa pag-unawa.

Maliit na bagay ang kadalasang susi sa kahalintulad na situwasyon. Ipakita mo ang taos-pusong pa-sasalamat sa lahat ng effort niya, mga pagkukusa at hindi inu-utusang tulong, higit sa lahat ang panahon at oras na ginigugol niya sa’yo. Gawin mo ito ng walang cellphone o anumang istorbo.

Iparamdam mo ang pagmamahal sa gawa bago sa salita.

Higit sa lahat, ma-ging mapagpasensya ka. Ang tunay na sweetness ay buma-balik kapag ang isang babae ay muling nakakaramdam ng seguridad, respeto, at malasakit.

Kapag minahal mo siya sa paraan na kailangan niya, kusa niyang ibabalik ang lambing na hinahanap mo.

DR. LOVE