Nartatez, nag-warning sa mga Pinoy vs online scams!


DIPUGA — Non Alquitran — Pilipino Star Ngayon

February 3, 2026 | 12:00am

FLASH Report: Naghahanap ng kakampi si Kap TImi, ang financier ng “paihi” operations na na-raid ng PNP-IMEG sa Candelaria, Quezon. Pulis, media o sibilyan man basta kayang gumitna para kay IMEG director Brig. Gen. Bonard Briton at mabawi ang dalawang tanker truck na nakumpiska ng raiders.

Apat na tanker trucks ang nasa loob ng “paihi” warehouse at hindi pa malinaw kung bakit importante ang dalawa rito para kay Kap Timi. “Name your price,” ‘yan ang bilin ni Kap TImi sa gustong gumitna para sa kanya. Nakarating kaya ang offer ni Kap Timi kay Briton? Dipugaaa!

——

Nababahala si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa patuloy na pagtaas ng kaso ng cryptocurrency at online investment scams sa Pinas. Kaya’t iniutos ni Nar­tatez sa PNP-Anti-Cybercrime Group ang mahigpit na pag­mat­yag sa internet sabay panawagan sa mga Pinoy na ‘wag basta-basta maniwala sa mga offer na negosyo online na may ma­laking patubo.

“These scams usually begin by offering “high returns” to lure victims into investing and even encouraging them to recruit others,” ani Nartatez. “At first withdrawals may be allowed to gain trust, but eventually, access to earnings and accounts is suddenly blocked, causing invested money to lost permanently” ang dagdag pa ni PNP chief. Parang pyra­miding scheme lang no mga kosa? Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Nartatez na mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, naka-record ang PNP-ACG ng 311 kaso ng invest­ment scams, at 12 dito ay cryptocurrency schemes. Ayaw ni Nartatez na dumami pa ang bilang na ito sa kanyang liderato.

“Ang bawat Pilipino ay may karapatan na maprotektahan ang kanilang pinaghirapang pera,” ang pahayag ni Nartatez. “Kaya naman hinihikayat namin ang mga Pinoy na maging mapanuri, huwag basta-basta magtiwala sa online platforms na nag-aalok ng sobrang taas na kita. Kung may kahina-hinalang aktibidad, agad itong i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya,” ang panawagan ni Nartatez.

Iginiit pa ni Nartatez na hindi lang pera ang nakataya dito kundi maging ang seguridad ng bawat Pinoy.”Tandaan, mas mainam ang magtanong at mag-verify bago mag-invest. Sa ganitong paraan, mapipigilan natin ang mga scammer at mapapanatili ang tiwala sa online financial transactions,” ang paliwanag pa ni PNP chief. Sanamagan! Anong sey n’yo mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang bawat Pinoy, ani Nartatez, ay dapat bumiberipika muna kung legitimate ang mga papasukin nilang online investment o cryptocurrency platform bago ipasok ang kanilang nakaipong pitsa.

“Citizens should be cautious of promises of guaranteed high returns, avoid sharing personal banking or account information online, and report any suspicious activities immediately to the nearest police station or the PNP-ACG,” ani Nartatez.

“Staying informed, asking questions, and educating family members about common online fraud schemes are also key steps in avoiding being victimized,” ang dagdag pa ni Nartatez.

Iniutos din ni Nartatez sa PNP-ACG na palawaking ang kanilang information drive vs online scams upang maiwasan ng mga Pinoy na maging biktima ng naturang raket. Hayan mga kosa, hindi nagkulang ang PNP sa paalala sa inyo, Maging mapagmatyag! Abangan!