Natulog sa bahay ng bf


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

August 18, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

 

Ako po si Rhosy. Kakahiya po pero kaila-ngan ko pong ibahagi ang nangyari. Pina-galitan po ako ng tatay ko kasi natulog ako sa bahay ng boyfriend ko. Ang dahilan po namin, inabot kami ng madaling araw sa paggawa ng project plate para sa school.

Talagang hindi po namin sinasadya, pero dahil sa deadline, hindi na po namin kinaya pang umuwi ng maaga.

Paano po ba magpapaliwanag sa tatay ko nang hindi siya masyadong magagalit, pero naiintindihan din niya na seryoso kami sa school projects?

Salamat po sa inyong payo.

Rhosy

Dear Rhosy,

Alam kong nakakaloka minsan ang school projects, pero hindi ibig sabihin na puwede ka nang mag-stayover basta-basta. Kailangan mo pa rin ipakita sa tatay mo na seryoso ka sa school at responsable ka.

Humingi ka ng sorry sa mahinahon at puno nang respetong paraan. Ipaliwanag na inabot kayo ng madaling araw sa paggawa ng project plate, kaya hindi na kayo nakauwi agad.

Mas maganda rin kung may plano ka para hindi na maulit, gaya ng pag-aalaga sa oras at pag-update sa kanya sa susunod. Tandaan, minsan hindi lang sa grades sumusukat ang pagiging mabu-ting anak, kundi sa respeto at communication mo sa pamilya—at oo, puwede mo pa ring gawin lahat nang cool at chill, basta may respeto at honesty.

Mahalagang alalahanin ang biyayang kalakip sa pagbibi-gay galang at respeto sa mga magulang, ito ang pagiging matagumpay at pagkakaroon ng mahabang buhay.

Kaya huwag mo nang patagalin, pagsikapan mo, ninyo ng boyfriend mo na magkaroon nang magandang timing para humingi ng paumanhin sa iyong tatay at mangako na hindi na mauulit.

Dapat din maunawaan mo na bahagi lamang ng pag-iingat sa’yo ang galit ng iyong tatay. Dahil dalaga ka at ang hangad niya lang na masigurong malalayo ka sa anumang tukso at makapagtapos ng pag-aaral, para sa mas magandang kinabukasan mo.

DR. LOVE