Nature vibes…Nox hydro farm campsite


Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isang napakagandang farm na  may campsite at tiyak na magugustuhan ninyo kung kayo ay naturelovers.

Ang aking tinutukoy ay ang Nox Hydro Farm Campsite na pag-aari ni Engr. Nox Moreno na makikita sa Kaybagal North, Tagaytay City.

Ayon kay Nox, nagsimula siya sa pagtatanim noong

March 2022, kasagsagan ng pandemya sa Covid-19.

Sinabi ni Nox, gulay ang napili ninyang itanim sa farm para mayroon silang makakain na pang-ulam.

“It was pandemic period wherein everyone stays at home and I thought to have self sustaining backyard,” aniya.

Kuwento ni Nox na ang unang tanim niyang lettuce ay hindi nila makain ng kanyang pamilya dahil mapait ang lasa.

Dahil doon ay naging malaking hamon kay Nox na pag-aralan ng husto ang cultiva-tion ng iba’t ibang variety ng lettuce.

Sa ikalawang harvest ay manamis-namis na ang lasa, masarap at malutong pa, kaya ang dati-rati nilang pangkain lang ay naging negosyo na.

Nagsimula lang sa ilang piraso ng styrobox ,ngayon ay may tatlong malalaking greenhouse na.

Ayon kay Nox, tulad ng ibang lettuce grower ay dumanas din siya ng maraming pag-subok sa pagtatanim.

“Tuwing tag-init, mga insekto ang aming kalaban habang kapag tag-ulan ay fungus naman,” kwento pa niya.

“Nagsagawa kami ng proper sanitation and strict process controls kaya namin nalam-pasan ang mga nasabing suliranin,” dagdag niya pa.

Bukod sa lettuce, may tanim din siyang kale,talong, okra, kalabasa, pakwan, kalaman-si, pipino at iba pa.

Lettuce at kale ang pambato ng Nox Hydro Farm kung saan marami na silang suki sa palengke at restaurant sa Tagaytay.

Bukod pa ang maraming walk-in na costumer na pick and pay.

Patuloy na dinudumog ngayon ng marami ang Nox Hydro Farm sa isa nilang taniman, na along the hi-way lamang ng Tagaytay.

Payo ni Nox sa mga baguhan na gustong pumasok at magnegosyo sa larangan ng agrikultura, huwag matakot mag umpisa.

Kailangan lamang na may dedication at constant works ka.

Binanggit pa ni Nox ang ila pang mga benepisyo na nakukuha sa pagtatanim, gaya ng self sustainability, family support, stress reliever at fresh produce.

Sa ngayon ay katuwang at kasama na rin ni Nox ang kanyang ama at ina sa pag-tatanim, makaraang sabihan na magretiro ng maaga sa kanilang mga pribadong tra-baho.

Patuloy rin ang ginagawang expansion sa Nox Hydro Farm at marami ng nagka-camp na pami-pamilya at magbabarkada.

Sa mga nature lovers at gustong tumakas sa ingay ng lungsod at nagnanais mag-staycation, bumisita po kayo sa Nox Hydro Farm Campsite sa Tagaytay City.

Maaari kayong mag-text at mag-inquire sa 0929-454-9335.

Text lang po muna kayo at sabihin po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasa-kang Reporter ang tungkol sa kanilang campsite.

Ngayong Linggo, February 1, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Nox sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan, maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.