October 4, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Iwasan makipagtalo sa kasamahan sa trabaho o kasambahay. Ayusin ang mga schedule upang hindi magkabuhol-buhol ang gawain o appointment. Nasa panig ang katuwiran kung hindi mapapabigla-bigla. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at red.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ngayon mabubuhos ang kakayahan sa gawain. Kailangan mag-ingat sa pera, alahas o cellphone. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 33 at nile green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magplano ng gagawin. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa high blood. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 30, at coral red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Magtatagumpay sa mahirap na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at electric blue.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ang transaksyon ay magtatagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan na makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 30, at sky blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Unawain at pag-isipan ng mabuti ang mga detalye bago lumagda sa kasulatan o sumang-ayon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ipagpaliban ang balak na paglalakbay dahil hindi magtatagumpay sa pakay. Iwasan ang matali sa pangako. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa takbo ng buhay. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at pink.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Inaayunan ng panahon ang makipag-date. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag padala sa bugso ng damdamin dahil mapapahamak. May matatanggap na balita mula sa abroad. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at gray.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may balak, gawin kaagad. Iwasan ang ugaling mamaya dahil tiyak hindi magagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 40 at beige.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maglingkod ng tapat. Patungo sa tagum-pay ang tinatahak kung hindi magbabago ang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.