Oktubre 12, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 12, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Matutuklasan ang sariling potensyal. Ituloy naudlot na mithiin at tiyak magtatagumpay. Ilang kaibigan ang tutulong na maituwid ang maling pananaw tungkol sa usaping pag-ibig o hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 30, 36 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sasang-ayon sa panukala ang mga kausap. Lingunin ang pinanggalingan para makarating sa patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 27, 32 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Isulong ang planong pangkabuhayan dahil may biyayang naghihintay. Matutugunan ang hamonm na dara-ting. Lucky numbers at color for the day ang 1, 17, 25, 38 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kundisyon ang isip at katawan. Pero ibayong lakas ng katawan ang kailangan sa haharaping pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 29, 35, 40 at gray.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Malulutas ang kagipitan kung pagsisikapan. Kung ano ang magandang naiisip, kilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 28, 31 at indigo.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang isang akusasyon. May darating na galing sa ibang bansa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 24, 31, 43 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Malamang maturuan ka ng leksiyon sa pangyayaring masasaksihan. Pakinggan ang konsensiya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 34, 44 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magiging mailap ang kapayapaan ng kalooban. Patawarin ang taong kinaiinisan. Ituloy ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 27, 33 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mapapatunayan ng sarili ang sinayang na panahon ay hindi na babalik. Iwasan ang anumang uri ng su-gal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 18, 26 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May mga pagkakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Malamang may dadalaw na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 26, 43 at moss green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May intriga kang maririnig na sisirain ang interes. Huwag padala sa intriga, ituloy ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 27, 32, at lavender.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Iwasan ang usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 25, 42 at turquoise.