Oktubre 13, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 13, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin. Kung paglalaanan ng panahon ay maisakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay may daan na matapos. Malakas ang magneto ng pakipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang makipag-isa sa tahanan maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakatang. Harapin ng buong ta-tag at pananagutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahaon dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan ang pa-labiro. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31, at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kailangan ang disiplina dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) –  Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kakapusan ang suliranin pero kung pagsisikapan, matutugunan. Maging masinop.Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang paglilinis sa kapaligiran ng tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maging mahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.