Oktubre 30, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 30, 2025 | 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Hindi maiiwasan ang argumento, pero maillayo ang sarili sa away. Huwag patulan ang argumentong magsisimula sa hindi pagkakaunawaan. Kung mayroong hindi napagkasunduan, maging kalma at iwasan ang kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at lilac.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang puwang upang magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyonan, gawin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat sa mga ginagawa at tiya-king hindi labag sa kagandahang-asal ang gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Mag-ingat sa mga sinasabihang tao dahil baka mali ang interpretasyon nila sa sinasabi mo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung magiging magulo ang sitwasyon sa relasyong pinapasukan, walang masama kung putulin hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Isang proyekto ang hahamon sa talino. Mahihirapan subalit kung pagsisikapan, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at silver.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Tuluyang mawawala ang minamahal dahil sa pride. Ang desisyong gagawin ay panindigan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at rainbow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Walang problema sa pera. Maayos ang kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 35, 43 at golden brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Lalong mapapalapit sa isa’t isa kung malalaman ang saloobin. Magiging masaya ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maraming gawain pero kailangan bigyan ng pansin ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magdiwang dahil unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Huwag magpadalos-dalos sa desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.