Oktubre 6, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 6, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Maging mapagpasensiya. Posible na may hindi pagkakaunawaan ang susulpot sa pagitan ng kamag-anak o mga kaibigan. Kunin ang magkabilang panig at pumagit na ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Bumawi ka sa iyong mahal bago pa siya magtampo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Marami ang makakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte dahil babawiin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil mabibigla ka. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maganda ang iyong personalidad nga-yon na aakit sa mga kaibigan. Lalo kang hahangaan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Kung inaakalang hindi tama ang gagawin, pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag asahan na sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw sa atensiyon niya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Isang suliranin ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat sa’yo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan. Huwag basta magalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.