MANILA, Philippines — Simula ngayong Hulyo ay madadagdagan ng P50 ang sahod ng nasa 1.2 milyong minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma, ang naturang umento sa sahod ay inaprubahan unanimously ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), sa pamamagitan ng Wage Order 26.
Aniya pa, ito na ang pinakamataas na dagdag sa sahod na inaprubahan ng wage board sa Metro Manila.
Dahil dito, ang daily minimum wage rate sa NCR na P645 lamang sa kasalukuyan ay magiging P695 na para sa non-agriculture sector.
Mula naman sa kasalukuyang P608 ay magiging P658 na ang sahod para sa agriculture sector, service at retail establishments na may empleyado na 15 pababa lamang, at maging sa manufacturing establishments na regular na nag-eempleyo ng wala pang 10 empleyado.
Anang DOLE, ang wage increase ay kaagad na magiging epektibo sa Hulyo 18, 2025, matapos ang petsa ng anibersaryo ng huling minimum wage increase sa NCR na naging epektibo noong Hulyo 17, 2024.
