Ngayon araw na ito ay isa na namang matagumpay na farmer ang aking ibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motivation sa pagtatanim ng halaman sa kanilang bakuran.
Ang aking tinutukoy ay si Patrolman Jhustine Ballesteros ng Barangay Mangan-Vaca, Subic, Zambales.
Men in uniform si PO1 Jhustine Ballesteros na ang ginawang “sideline’ para madagdagan ang kita ay pagtatanim ng gulay lalo na ng lettuce.
Nagsimula lang si ya sa P500 na puhunan na kanyang pinambili ng seeds at liquid solution. Ngayon ay bumebenta na siya at kumikita na ng nasa P15,000 kada buwan. Maging ang misis ni Jhustine na may sarili ring trabaho sa opisina at ang kanilang 3-yrs old na anak ay tumutulong na rin sa pagtatanim. “Magandang bonding na rin po namin ito ng aking pamilya,” sabi ni Jhustine.
Noong una ay pangsariling pagkain laman ang mga itinatanim ni Jhustine pero ngayon ay negosyo na nilang mag-asawa.“Farming is profitable and enjoyable, at sa hydroponics method of farming kahit may trabaho kang iba ay mapapaganda mo ang iyong mga tanim,” sabi ni Justine.
Aniya, nag-umpisa siya sa pagtatanim ng lettuce sa mga bote ng softdrinks o used botted at plastic pot sa open area sa kanilang bakuran. Hanggang maisipang niyang magka-greenhouse farm at makita ang potensyal ng bakante lugar sa tabi ng kanilang bahay para sa pagtatanim. “Nakita ko na may sapat na espasyo at sikat ng araw para sa paglaki ng mga tanim,” ani Jhustine.
Ayon pa sa kanya, pinili niya ang lettuce bilang pangunahing tanim dahil sa kahalagahan sa nutrisyon at kalusugan.
“Gusto kung makatulong sa pagbibigay ng sariwa at malusog na pagkain sa aking pamilya, kamag-anak at kaibigan,” pahayag ni Jhustine.
Sinabi ni Jhustine, dumaan din siya sa maraming pagsubok pero hindi tumigil sa pagtatanim at gumagamit ng mga paraan lalo na kapag tag-init at tag-ulan para hindi masyadong maapektuhan ang kanyang mga tanim. “Sa panahon ng tag-init, ang mga struggles namin ay ang pagpapanatili ng tamang temperatura at pagkakaroon ng sapat na tubig para sa mga tanim. Kapag tag-ulan naman ay ang pag-iwas sa pagkasira ng mga tanim dahil sa mga insekto. Ang sikat ng araw ang pangunahing kailangan ng halaman,” sabi pa ni Jhustine.
Aniya, gumagamit siya ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng Hydroponics method “Kratky” farming si Jhustine. “Nagpaplano rin ako ng mga paraan upang mapanatili ang tamang temperatura at pagkakaroon ng sapat na tubig para sa aking mga tanim,” sabi pa niya.
Bukod sa mga lettuce, mayroon din tanim na kamatis at iba pang halaman sa loob ng green house si Jhistine.
Noong una ay pagkain at pamigay sa mga kapitbahay, kaibigan at mga kapwa pulis ang kanilang mga harvest pero ngayon ay kumikitang kabuhayan na bilang “side-line”
“Nakakaipon na po kami ngayon dahil lumiit ang aming gastos at marami na kaming mga suki sa aming mga harvest,” sabi pa ni Jhustine.
Payo ni Jhustine sa mga gustong matutong magtanim o magtayo rin ng farm, ang pagpaplano at pag-aaral sa mga paraan ng pagtatanim ay importante. Maraming benepisyo ang nakukuha ni Jhustine sa pagtatanim tulad ng pagkakaroon ng sariwa at malusog na pagkain, pagpapabuti ng kalusugan at kapaligiran, at ang pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ani niyang masarap at masustansiyang lettuce.
Sa mga residente ng Subic, Zambales na nagnanais bumilii at gustong matuto ng pagtatanim tulad ng ginagawa ni Jhustine, i-text lamang po ninyo siya sa 0921-365-21-15. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.
Ngayon Linggo, March 16, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Jhustine sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan. Maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube. Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.