Paghihilamos ng mukha | Pilipino Star Ngayon


NARITO ang mga kahalagahan ng paghihilamos ng mukha bago matulog at pagkagsing sa umaga:

  • Kailangang maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Mahalaga ito para maging malinis at maging maganda ang balat o kutis.
  • Mali ang kasabihan na masama o hindi magandang mag­­­hilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily din ng mukha sa umaga.
  • Kapag hindi maghihilamos ng mukha, puwedeng mag­ka­roon ng pimples, kuliti, impeksyon at pamumula ng mga mata.
  • Ang pagdami ng muta ay isang senyales na maraming mikrobyo ang mata kaya dapat maghilamos.
  • Maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi. Puwedeng maghilamos kahit puyat, galing sa trabaho, gumamit ng computer, cell phone, gadget, walang tulog o bagong gising.
  • Puwedeng magpahinga ng limang minuto kung gusto, pero kailangan maghilamos pa rin.
  • Walang koneksiyon ang paghilamos ng mata sa pani­ngin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at iba pang dumi sa mata.