Pamilya Ko Partylist tututok sa makabagong pamilyang Pinoy


MANILA, Philippines — Inikot ng #30 Pamilya Ko Party-List at 1st nominee Atty. Anel Diaz nitong Biyernes ang mga barangay sa Plaridel, Bulacan para ipaalam ang adbokasiya na tinawag nilang “Lovables”.

Kumakatawan ang “LOVABLES” sa Live-in parents, OFW parents, Victims of domestic abuse, Adoptive families, LGBTQIA+ families, Elderly at extended families, at Single o solo parents, na iba’t-ibang uri o anyo ng pamilyang Pilipinong gustong pangalagaan at ipaglaban ang Karapatan.

Bilang solo parent, mismong ang aktres na si Sunshine Cruz ang nangungunang sumusuporta at nagsisilbing taga-endorso. Ang makabagong pamilyang Pilipino ang tutukan ng kanilang mga programa kung saan ramdam nila ang nararanasang suliranin ng mga nabanggit na sektor.

 “Kaya handa naming tugunan ang mga pangangailangan nila tulad ng mga programang pangkabuhayan na makapagpapataas ng antas ng kanilang pamumuhay, at isusulong naming sa Kongreso ang kanilang mga karapatan nang pagkakapantay-pantay sa lipunang ginagalawan,” dagdag pa ni Atty. Diaz.

Kabilang sa nalibot na ng Pamilya Ko Party-List para ikampanya ang “LOVABLES” ang Bacolod, Bataan, Batangas, Cavite, General Santos City, Iloilo, Manaoag sa Pangasinan, Dumaguete, Manila, Lucena sa Quezon, Negros, Rizal at Bulacan. Samantala, napasama ang “Pamilya Ko” sa winning circle na Top 30 na party-list base sa inilabas na survey ng OCTA Research na may petsang Pebrero 22-28.