Pangulong Marcos, Cabinet officials dumalo sa spiritual session


MANILA, Philippines — Nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng spiritual session kasama ang mga miyembro ng Gabinete.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na isang pagkakataon ito para magkasama-sama ang Pangulo at kanyang gabinete para sa spiritual sessions.

Ayon kay Castro, nanguna sa nasabing spiritual session si Father Tito Caluag para sa Pangulo at Cabinet members.

Sa nasabing pagtitipon ay nabigyan aniya ng spritual guidance si Marcos at mga miyembro ng Gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno.

Hindi lamang aniya ito para magabayan sila sa pagsisilbi sa pamahalaan o bilang public servants kundi bilang isang inbidiwal.

Hindi naman matukoy ni Castro kung gaano katagal ang nangyaring spiritual session sa Pangulo at cabinet officials nitong Sabado.