PCG nakailag, dalawang barko ng China nagbanggaan


Manila, Philippines — Dalawang barko ng China ang nagbanggaan habang hinahabol ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea noong Lunes, Agosto 11.

Ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela, hinahabol ng CCG vessel 3104 ang BRP Suluan sa  silangan ng Scarborough Shoal nang magtangka itong gumawa ng mapanganib na maniobra mula sa hulihang kanang bahagi ng barko ng PCG.

Dahil dito, bumangga ang CCG vessel sa Navy ship ng ng People’s Liberation Army (PLA) Navy at nagkaroon ng pinsala sa unahang bahagi ng deck.  — Mula sa ulat ni Cristina Chi