November 28, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pumalo na sa P1.37 bilyon ang iniwang pinsala ni supertyphoon Uwan sa lalawigan ng Kalinga, ayon sa update ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sa report ng PDRRMO,nasa 12,646 pamilya o kabuuang 54, 561 katao ang naapektuhan ng kalamidad.Habang nasa 2,000 kabahayan naman ang nagtamo ng pinsala kabilang ang nasa 82 tuluyang nawasak.
Samantala, nasa P19.5 milyon naman ang tinamong pinsala sa agrikultura; P81.2 milyon sa agricultural infrastructure; P992.4 milyon sa public infrastructure at poultry P29.3milyon.
Nasa 5 katao naman ang naitalang nasawi sa lalawigan kabilang ang 4 nasawi sa landslide at isa naman ang nalunod.
Ayon pa sa PDRRMO, inaasahang tataas pa ang pinsala habang kinukumpleto pa ng mga local government units ang kanilang assessment.