February 23, 2025 | 12:00am
SA pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang pag-inom ng salabat ay nakababawas ng sakit ng 40 percent. Subukang uminom ng isang tasa ng mainit na salabat pagkagising sa umaga at sa hapon. Maganda rin ang salabat sa naduduwal o nasusuka.
Iba pang mga benepisyo sa pag-inom ng salabat:
1. Nakakatulong para gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang cholesterol. Nililinis ang daanan ng dugo.
2. Nagpapalakas ng immune system dahil may taglay itong gingerols at gingerdiol. Nilalabanan ang mga virus at bacteria at tumutulong din para labanan ang cancer cells.
3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng dysmenorrhea.
4. Tumutulong para mabawasan ang pamamaga at pananakit ng ibang bahagi ng katawan.
5. Malaki ang naitutulong para makalma ang nerves.
6. Tumutulong para ma-absorb ang sustansiya mula sa mga pagkain.
7. Tumutulong upang ma-improve ang memorya at iba pang function ng utak.