Sen. Imee nakiisa sa ika-111 anibersaryo ng Tanza


CAVITE, Philippines — Muling bumisita si Sen. Imee Marcos sa lalawigan ng Cavite kung saan nakisaya ito at nakiisa sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng bayan ng Tanza, dito sa lalawigan kamakalawa.

Sa kanyang talumpati nito, muling iginiit ng Sen. Marcos ang kanyang panawagan at adhikain na pondohan ang pagpapatayo ng Regional Specialty Center Hospital upang ang mga taong humingi ng espesyal na atensyong medikal ay hindi na dapat bumiyahe ng Maynila.

Iminungkahi rin ng Senadora ang pagpili sa Cavite na paglaanan ng pondo ng gobyerno para malagyan ng dalawang ospital.

Kasabay ng pagdiriwang, nakisayaw pa ang senadora kasama si Vice Mayor Archangelo Matro at mga konsehal ng bayan.

Sumama rin ang reelectionist senator sa isinagawang Float Parade na kalahok ang ilang kilalang establisiyemento at resort sa Tanza.